AddThis Smart Layers

Isang Paglilinaw

Teka, teka. bago ka magbasa sa aking blog ay nais kong ipabatid na ikaw, aking mambabasa ay nasasaklaw sa aking mga patakaran at regulasyon.

Kung hindi mo nais mapasailalim ng aking mga patakaran ay inuutusan na kitang umalis dito sa blog ko. Wala kang pahintulot na makagamit ng bawat nilalaman ng aking blog at ang mga serbisyong naibibigay ng blog na ito.


Bilang tagapanimula at natatanging may-ari ng site na ito, ang blog founder ay may supremong kapangyarihan sa site na ito. Ang blog founder ay may kapangyarihang gumawa, magtanggal at palitan ang mga patakaran at regulasyon dito sa aking teritoryo ng walang abiso. Ang pagbabasa ng paglilinaw na ito ay isang obligasyon sa parte mo na mambabasa.

Ang bawat mambabasa sa blog na ito ay binibigyan ng karapatan upang makapagkomento sa mga bagay na nailahad sa blog na ito. Huwag lamang itong mapapatunayang labag sa batas, moral, kultura, magandang kaugalian, at pampublikong kaayusan o polisiya. (hindi limitado sa mga nabanggit). Dahil diyan, naatasan ang blog admin na suriin ang bawat komento.

Dapat obserbahan ng bawat tagapag-komento ang mensahe na kanilang nais iparating. Ang mga mensaheng naglalaman ng bagay na napapaloob sa kategoryang nasa ibaba ay maaaring mabura o ma-edit ng Blog Admin. (hindi limitado sa mga nabanggit)

Maling Impormasyon. 
Ang bawat tagapagkomento ay hindi pinapayagang magpost ng maling impormasyon at walang basehan na mga pahayag. Inaabisuhan ang lahat na maglagay ng link o basehan sa mga impormasyong direktang kinopya mula sa ibang mga online resources.

Pagfflood, Pag-spam
Hindi maaaring magkaroon ng spam / flood ang bawat talakayan. Ito ay nakakasira sa maayos na diskusyon sa bawat pahina ng blog. Ang spam ay ang pagpopost ng isang mensahe sa maraming lugar na parte ng blog. Ang flood naman ay ang mabilis na pagpopost ng paulit-ulit na mensahe sa isang parte ng blog.

Pagbibigay-insulto at mga Pagbabanta
Ang pagbibigay insulto at pagbabanta sa kapwa user ng site na ito ay ipinapagbawal. Kasama na rin sa kategoryang ito ang pagbibigay puna sa mga artista, produkto, negosyo, at ari-arian ng ibang tao nang walang makabuluhang dahilan at basehan. Tamang etiketa ang dapat sundin sa bawat diskusyon.

Paggamit ng mga link
Ang paglalagay ng link sa bawat komento ay sakop sa pag-aanalisa ng Blog Admin. Kung nais mo mag-advertise ng iyong link ay marapat lamang na kontakin mo ang Blog Founder sa link na ito. Magkagayunpaman, maaari kang magpost ng mga links sa reasonable na paraan, sa tanging nayunin na magbigay ng dagdag kaalaman sa isang bagay na maykaugnayan sa paksa.
Ang paglalagay ng link na naglalaman ng virus o malware na maaaring ikapahamak ng bawat user ng site na ito ay ipinapagbawal.

Off-topic na mga komento
Ang bawat post sa blog na ito ay nasasakop sa isang konteksto na dapat sundan. Ang mga bagay na hindi naman nasasaklaw sa topic ng pahina ay maaaring mabura ng walang abiso.

Inaabuisuhan ang mga menor de edad na humingi ng gabay o abiso sa kanilang magulang hinggil sa mga maseselang bahagi na maaaring matukoy sa blog na ito.

Sa kahit anong pangyayari, ang Malayang Oksiheno, ang Blog founder at ang mga blog admins ay walang pananagutan sa kahit anong indibidwal. (Hindi limitado sa pagkawala ng kita; mga pinsala; perwisyo; na nagmumula sa Malayang Oksiheno, Serbisyo ng Malayang Oksiheno, at mga taong nasa likod ng Malayang Oksiheno.)