AddThis Smart Layers

CPA Board Exam Results - antagal! haha

2:20 AM
Ilang araw na din ang nakalipas mula ng ako, ay nagtake ng CPA board.

Hindi naging madali para sa akin ang nasabing pagsusulit, ako, bilang  isang ordinaryong estudyante ng BSAccountancy. Sa aking pag-aaral mula ng kolehiyo, alam kong madami akong pagkukulang sa larangan ng pag-aaral. Maraming oras ang nasayang sa mga hindi makabuluhang bagay na hindi naman dapat atupagin.


Subalit hindi ito maaaring maging isang bagay na hahadlang na lamang para sa akin, para sa aking pangarap. Nanatili ang aking pagnanais makamit ang aking kagustuhan, ang aking pinapangarap na titulong CPA (Certified Public Accountant).

Kaya naman sa ilang buwan na aking pag-aaral sa naturang pagsusulit, alam kong binigay ko ang aking makakaya - oras, pagod at atensyon, Medyo madaming dapat aralin (isipin mo yung limang taon na inilagi mo sa undergrad courses tapos makokompress sa limang buwan), pero wala tayong magagawa eh. andyan na yan, magtiwala ka nalang sa mga natutunan mo.

Dumating ang petsa ng pagsusulit, bitbit ang aking determinasyon, kaalaman at ang tiwala sa Diyos na aking sandata para sa tagumpay.
CPA - Certified Public Accountant - Can Pass Attitude

Natapos ang pagsusulit, pero hindi pa din ako kampante sa mga bagay-bagay. Hindi mo maaaring masabi na nawala na ang iyong agam-agam dahil alam mong madami kang pagkukulang noong nasa undergrad ka pa lang. Ang masaklap pa, yung paghihintay mo ng resulta sa naturang exam ay na-extend pa. Mula sa isang araw na paghihintay, ito ay naging pitong araw, sa maraming dahilan. Nagkaroon daw ng Outreach ang Iglesia ni Kristo, tapos andyan ang Eid al Fitr ng ating kababayang muslim. Nariyan pa ang "Summit" daw ng PRC at "Busy" daw ang BOA (Board of Accountancy). Saan kapa! haha.

Nakakabagot ang mga araw na lumilipas, ng may bagay kang iniisip sa likod ng utak mo. Maiisip mo na lang bigla kung "Paano kaya kung babagsak ako? sayang naman yung limang buwan ko.", "Hala, ang dami ko palang mali sa exam.", at madami pang iba.

Iyon ang mga oras na dapat ay may ginagawa kang bagay na makabuluhan na ikakaunlad ng bansang Pilipinas. Pero ganun talaga ang buhay. tanggapin mo na lang. :)

Ikaw, Naghihintay ka din ba?

Malayang Oksiheno

Andyan na, andyan na, di mo pa nakikita.